^

Bansa

Nasaan ang sin tax?

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinukuwestyon ng Kamara ang Department of Budget and Management (DBM) kung saan napupunta ang kita ng pamahalaan sa sin tax o ang ipinapataw na buwis sa sigarilyo at alak.

Sa House Resolution 1591 na inihain ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, pinagpapaliwanag nito ang DBM kung ano ang mga pinaggastusan sa sin tax.

Giit ni Rodriguez, malinaw sa Republic Act 10351 o Sin tax law na ang ganitong nakokolektamg buwis ay dapat na itinutustos sa Universal Health Care Program.

Bukod dito bahagi din umano ng buwis na ito ay dapat gagastusin sa pagpapatayo ng mga clinic at ospital sa ibat ibang panig ng bansa, 

Matatandaan na ang pinagtibay na sin tax law ay dapat magbibigay ng dagdag na P34 bilyon na kita sa pamahalaan kada taon.

Subalit base sa ob­serbasyon ng mga kongresista, hanggang ngayon ay marami pa din umano sa mga Pilipino ang hindi sakop ng Universal Health Care Program ng pamahalaan at marami pa rin lugar ang walang clinic o ospital.

ACIRC

ANG

BUKOD

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

GIIT

KAMARA

ORO REP

REPUBLIC ACT

RUFUS RODRIGUEZ

SA HOUSE RESOLUTION

UNIVERSAL HEALTH CARE PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with