P500 umento sa SSS pag-aralan- PNoy
MALOLOS, BULACAN, Philippines – Iniutos kahapon ni Pangulong Benigno Aquino lll na pag-aaralan ang pagbibigay ng P500 na umento sa mga pensioners ng Social Security System (SSS) matapos niyang i-veto ang panukala na naglalayung dagdagan ng P2,000 ang buwanang pensyon ng may 2 milyong pensioners.
“May other benefits? Inaaral. Kaya ba natin ng P500? ‘Yung P500 tila baka babalik tayo… So ‘pag dinagdagan natin maski P500, babawasan na naman natin ‘yung life ‘nung ating pondo” wika pa ni Pangulong Aquino sa media interview dito kahapon ng umaga.
Magugunita na kamakalawa ay inihayag ng Malacanang na hindi nilagdaan ng Pangulo ang panukala para sa P2,000 across-the-board increase sa SSS pensioners.
“Ngayon pinapasigurado ko sa kanila ‘yung computation, dapat mag-pro-project ka rin, ano. Ano ba ang halaga nitong mga ini-invest natin? Siguro para mas maidiin ko lang, ano, ‘pag may kulang—may deficit, ‘di ba, 16 to 26 billion saan kukunin ‘yon? Ibebenta mo ngayon ‘yung mga assets mo tulad ng stocks na may dibidendo kang kinukuha. So ‘yung pinagmumulan ng pagbayad pagdating ng obligasyon ng SSS, ‘di ba, babawasan mo pa rin. ‘Yon ang magpapamadali hanggang ‘yung parang may constant na ina-assume diyan. ‘Yung value ng holdings baka constant” Dagdag pa ni PNoy.
“Maski—hindi natin masasabing magiging constant ‘yon. Babawasan mo ng, ‘di ba, 15 taon ‘yung buhay. So ‘pag wala tayong ginawa… ‘Pag pinayagan natin ito at wala tayong ginawa, ano ‘yung kukunin ‘nung mga pensyonado ng 2028 at 2029,” Paliwanag pa ng Pangulo.
- Latest