^

Bansa

‘Mamasapano’ probe bubuksan muli ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling bubuksan ng Senate Committee on Public Order ang imbestigasyon ng Mamasapano massacre sa unang taon ng anibersaryo ng nasabing insidente kung saan 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) ang napaslang.

Ayon kay Sen. Grace Poe, chairman ng komite, gagawin nila ang imbestigasyon sa Enero 25 kung kailan gugunitain ang ika-isang taon ng massacre.

Sinabi ni Poe na papakinggan nila ang mga posibleng bagong impormasyon o ebidensiya na ilalabas ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.

Si Enrile ang naggiit na dapat muling buksan ang imbestigasyon ng Mamasapano massacre.

Sinabi ni Poe na binigyan na ng go signal ng Rules Committee ang pagsasagawa ng karagdagang pagdinig sa Mamasapano incident bilang tugon sa hirit ni Enrile na nagsabing may nakuha siyang mga bagong impormasyon at mga ebidensya.

“It’s good that the Rules Committee gave a go signal that additional hearing/s can be called, in response to Minority Leader Enrile’s request to call such, citing his personal information, and possibly new evidence,” ani Poe.

vuukle comment

ANG

GRACE POE

MAMASAPANO

MINORITY LEADER ENRILE

PUBLIC ORDER

RULES COMMITTEE

SENATE COMMITTEE

SENATE MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

SI ENRILE

SINABI

SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with