^

Bansa

Paniningil ng P50 sa car registration stickers pinatitigil

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat itigil na ng Land Transportation Office  ang pangungolekta ng P50 mula sa mga motorista hanggang hindi pa nareresolba ng ahensya ang problema nito sa car registration stickers.

Ginawa ni Sen. Chiz Escudero ang pahayag sa muling pagsisimula ng rehistrasyon ng mga sasakyan para sa taong 2016.

“Dapat ihinto ng LTO ang paniningil sa mga motorista dahil wala namang car stickers na ibinigay. Matatapos na ang 2015 pero hindi pa rin nila natatanggap ang registration stickers na binayaran nila sa taong ito,” ani Escudero.

Nakatanggap ng maraming reklamo ang senador mula sa mga motorista kaugnay sa hindi nila pagtanggap ng registration stickers mula noong 2011 sa kabila ng kanilang pagbabayad ng P50 kada taon.

“Para mo na ring pinagnakawan ang mga motorista dahil wala naman talagang registration stickers na binibigay,” giit Escudero.

Matindi pa aniya sa ‘budol-budol’ gang ang harap-harapan pagkuha ng pera kada taon para sa produktong walang katiyakan kung kailan mo mahahawakan.

Nanawagan din si Escudero sa Commission on Audit (COA) na alamin kung saan napunta ang mga nakolektang bayad para sa mga hindi nakuhang registration stickers sa lumipas na limang taon.

Sa datos ng LTO noong 2013, halos 7,690,038 ang rehistradong sasakyan sa buong bansa na kinabibila­ngan ng 868,148 kotse, 1,794,572 utility vehicle, 346,396 sports utility vehicle, 358,445 truck, 31,665 bus, 4,250,667 motorsiklo/tricycle at 40,145 trailer.

Bukod sa registration stickers, wala ring license plate na nilalabas ang LTO kahit pinagbawalan na ng COA na ipagpatuloy ang P3.88-bilyong motor plate standardization program dahil sa pagiging iligal nito.

Gayunpaman, sinimulan na ng LTO noong nakaraang Enero na mani­ngil ng P450 para sa mga kotse at P120 para sa motorsiklo kaugnay sa pagpapalit ng standardized license plates. 

ACIRC

ANG

BUKOD

CHIZ ESCUDERO

DAPAT

ENERO

GAYUNPAMAN

GINAWA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MGA

STICKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with