Alagang hayop ilayo sa ingay sa pagsalubong sa Bagong Taon - PAWs
MANILA, Philippines – Binalaan ng animal rights at welfare group na The Philippine Animal Welfare Society (PAWS) at EcoWaste Coalition ang publiko na protektahan ang kanilang alagang hayop mula sa ingay ng pagpasok ng Bagong Taon.
Ayon sa naturang mga grupo, dapat na pakitaan ng awa ang mga hayop at iligtas mula sa ingay ng mga paputok at fireworks tuwing New Year.
“Our four-legged friends, particularly cats and dogs, suffer in silence as firecrackers and fireworks of varying intensity are ignited in the belief that such practice can shoo away bad luck and pull in good energy and fortune,” ayon kay PAWS Executive Director Anna Cabrera.
“Cats and dogs are specially gifted with acute sense of hearing. Pyrotechnic explosions can cause acoustic trauma to animals that humans often take no notice of,” dagdag ni Cabrera.
Anya, dahil sa matinding ingay na likha ng mga paputok sa pagsalubong ng bagong taon, ang mga alagang hayop ay nawawalan ng gana na kumain, hindi mapalagay at nawawala sa sarili.
Mas mainam anyang ilagay sa isang tahimik at ligtas na lugar ang mga alaga sa pagpasok ng new year para maiwasan ang anumang epekto ng ingay sa mga hayop.
- Latest