^

Bansa

Isko no. 11 na sa SWS survey

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa ika-11 puwesto na sa senatorial candidates si Manila Vice Mayor Isko Moreno Domagoso sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).

Ayon kay Domagoso, indikasyon ito na  malaki ang kanyang naiangat sa  isinagawang  survey noong Disyembre 12-14 kumpara sa  huling survey ng SWS noong Setyembre kung saan nasa 28-31 puwesto siya.

Lumilitaw na umakyat na sa 30 porsiyento ang dating apat na porsi­yento nito sa mga survey sa kabila ng limitadong tv at radio ads.

Bagama’t  lubos ang kanyang pasasalamat  dahil sa tiwala na ibinibigay ng publiko, sinabi ni Moreno na mahaba pa ang kanyang lalakbayin kaya’t mas kailangan ang ibayong pagsisikap upang makapantay sa mga kilalang pulitiko.

“Lalong lalo na po sa sambayanang Pilipino at mga kababayan ko sa Maynila na patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa akin,” ani Domagoso.

Ipinaliwanag pa ni Domagoso, national president ng Vice Mayors League of the Philippines (VMLP) na may kinakaharap pa siyang hamon sa ngayon dahil karamihan sa mga survey firms ay Domagoso ang ginagamit sa halip na Moreno sa survey questions. Ito naman ang na­ging dahilan ng kanyang pagkakapuwesto sa 16-20 sa Pulse Asia survey.

Sabi pa ni Domagoso, ang kanyang pagtaas sa  survey ay ang pursigido niyang pagbisita sa mga liblib na lugar sa iba’t ibang lalawigan sa bansa at suporta mula sa kanyang mga kasamahan sa VMLP, NMYL, PCL at Liga ng Barangays.

Gayunman, kailangan pa rin ang suporta ng mga kongresista, governors at alkalde lalo na   mula sa ibang sector.

ACIRC

ANG

DOMAGOSO

MGA

MORENO

NBSP

PULSE ASIA

SOCIAL WEATHER STATION

SURVEY

VICE MAYORS LEAGUE OF THE PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with