‘Christmas ceasefire’ hiling palawigin hanggang 2016 polls
MANILA, Philippines – Nanawagan sa gobyerno si Leyte Rep. Martin Romualdez na i-extend o palawigin pa ang “Christmas ceasefire” sa pagitan ng government forces at New People’s Army (NPA) hanggang sa matapos ang May 2016 National Elections.
Ayon kay Romualdez, kung posible ay mapalawig ang ceasefire ng gobyerno at rebeldeng grupo upang magkaroon ng tsansa ang mga botante na malaya at walang takot na makaboto sa halalan.
Iginiit pa ng kongresista na ang bakbakan ng mga tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng NPA ay huling bagay na gusto ng mga taong masaksihan.
Kaya bukod sa patagalin ang ceasefire, sinabi ni Romualdez na dapat itigil na ang mga engkwentro at muling i -resume na rin ang usapang pangkapayapaan.
“Let’s give peace a chance,” giit pa nito.
Matatandaan na una nang idineklara ng CPP-NPA at National Democratic Front ang unilateral ceasefire na magsisimula sa December 23 hanggang January 03, 2016, na agad namang tinanggap ng gobyerno.
Sa panahon ng ceasefire, ang military at communist rebels ay obligado na huwag magsagawa ng offensive military operations sa isa’t isa.
- Latest