^

Bansa

Gamitin ang Clark sa international flights – Gatchalian

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Nationalist People’s Coalition (NPC) Congressman Win Gatchalian ang gobyerno na gamitin ang Clark International Airport at ang gagawing Sangley International Airport para matugunan ang lumalang air traffic sa bansa lalo na ngayon inaasahan ang pagdating ng mga kababayan Pilipino dahil sa pagdiriwang ng Pasko.

Giit ni Gatchalian, senior Vice chairman ng House committees on tourism at Metro Manila Development, na ang Clark International Airport ang maaaring gamitin sa international flights at ang Sangley point naman sa Cavite ay para naman sa mga pribadong eroplano.

Subalit kung gagamitin umano ng gobyerno ang Clark bilang bagong international airport, dapat ay magtayo din sa North Luzon Expressway (NLEX) ng high speed train systems upang ang mga pasahero mula sa Manila at Northern Luzon ay hindi mahihuli sa flight.

Base sa datos ng Civil Aviation Authority of the Philippines noong Marso lumalabas na umaabot na sa 16 milyon para sa international flights habang 18 milyon para sa domestic flights ang nagtutungo sa NAIA noong 2014 kaya sa kabuuan ay mayroong 8.46 milyon pasahero ang gumagamit sa NAIA sa fourth quarter ng taon.

“That another terminal is being planned to be built to decongest NAIA instead of maximizing the usage of existing facilities such as the Clark International Airport shows that taxpayers’ money is being badly managed,” ayon pa kay Gatchalian.

 

ANG

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT

CONGRESSMAN WIN GATCHALIAN

GATCHALIAN

INTERNATIONAL

METRO MANILA DEVELOPMENT

NATIONALIST PEOPLE

NORTH LUZON EXPRESSWAY

NORTHERN LUZON

SANGLEY INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with