^

Bansa

Bilis at lakas napanatili: Bagyong Nona nag-landfall na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patuloy na nagbabanta ang bagyong Nona sa mga lugar sa Luzon at Visayas habang kumikilos pakanlurang bahagi ng Burias island.

Alas-5 ng hapon kahapon, si Nona ay nasa  Bulusan, Sorsogon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 150 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 185 kilometro bawat oras. Kumikilos ito pakanlurang bahagi ng bansa sa bilis na 17 kilometro bawat oras.

Ngayong Martes ng hapon si Nona ay tinatayang nasa  Mamburao, Occidental Mindoro at sa Miyerkules ng hapon ay nasa layong 245 kilometro ng kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro at sa Huwebes ng hapon ay nasa layong 360 kilometro ng kanluran ng Coron, Palawan at sa Biyernes ng hapon ay nasa layong 500 kilometro ng kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan  at palabas na ng ating bansa.

Bunga nito, nakataas ang babala ng bagyo bilang 3 sa Sorsogon, Masbate kasama ang  Ticao at Burias Islands, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Southern Quezon, Marinduque at Romblon  sa Luzon at Northern Samar  sa Visayas

Signal no 2 sa Batangas, Rizal, Laguna, Cavite, nalalabing bahagi ng  Quezon kasama na ang Polillo Island, Oriental Mindoro at Occidental Mindoro  kasama ang  Lubang Island sa Luzon gayundin sa Eastern Samar, Samar at  Biliran sa Visayas

Signal no 1 sa Metro Manila, Bulacan, Bataan, Pampanga, Southern Zambales, Southern Aurora at Coron sa Luzon at sa Leyte, Northern Cebu kasama na ang  Bantayan at Camotes Islands, Aklan, Capiz, Northern Antique, Northern Negros Occidental at Northern Iloilo sa Visayas.

Patuloy na pinapayuhan ng PagAsa ang mga residenteng nakatira sa naturang mga lugar na ibayong ingat ang gawin at ugaliing mapagmasid sa paligid para makaiwas sa anumang aberya.

ANG

BURIAS ISLANDS

CALAPAN CITY

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

CAMOTES ISLANDS

LUZON

NBSP

OCCIDENTAL MINDORO

ORIENTAL MINDORO

VISAYAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with