^

Bansa

Leni suportado ng Zamboanga execs

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang iba’t-ibang lokal na opisyal ng Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay sa kandidatura ni Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo sa pagdalaw nito sa dalawang lalawigan kamakailan.

Sa pulong na Women’s Conference on Peace and Development, itinaas ni Zamboanga del Sur Gov. Antonio Cerilles ang kamay ni Robredo bilang simbolo ng suporta sa kanyang pagtakbong bise presidente.

“Nagpapasalamat po kami kay Governor at Congresswoman Cerilles sa ginagawa ninyong tulong para sa amin hindi lang sa Pagadian City pero sa buong probinsya ng Zamboanga del Sur,” wika ni Robredo.

Bago nagtungo sa Pa­gadian City, nakipagpulong din si Robredo sa informal settlers at LP local officials sa Ipil, Zamboanga Sibugay. “Masa­yang masaya ako na na­kabisita dito dahil ang akin pong asawang si Jesse ay maraming pangarap para sa mga taga-Mindanao,” dagdag niya.

ACIRC

ANTONIO CERILLES

CONGRESSWOMAN CERILLES

LENI ROBREDO

LIBERAL PARTY

PAGADIAN CITY

PEACE AND DEVELOPMENT

ROBREDO

SUR GOV

ZAMBOANGA

ZAMBOANGA SIBUGAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with