^

Bansa

JV Ejercito, 19 pa kinasuhan ng graft

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinasuhan ng graft ng tanggapan ng Ombudsman sa Sandiganbayan si dating San Juan  Mayor na nga­yo’y  Senator, Joseph Victor “JV” Ejercito dahil sa paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019) at Technical Malversation may kinalaman sa maanomalyang pagbili ng mga  high-powered firearms noong  February 2008.

Kapwa akusado ni JV sa kasong Technical Malversation sina Vice-Mayor Leonardo Celles, City Councilors Andoni Carballo, Vincent Pacheco, Angelino Mendoza, Dante Santiago, Rolando Bernardo, Grace Pardines, Domingo Sese, Francis Peralta, Edgardo Soriano, Janna Ejercito-Surla, Franciso Zamora, Ramon Nakpil at Joseph Torralba.

Ayon sa Ombudsman, nakakita sila ng probable cause hinggil sa paglabag sa Section 3(e) of R.A. No. 3019 laban sa  Bids and Awards Committee members na sina City Administrator Ranulfo Dacalos, Treasurer Rosalinda Marasigan, City Attorney Romualdo Delos Santos, City Budget Officer Lorenza Ching at City Engineer Danilo Mercado.

Napatunayan namang guilty sina Dacalos, Marasigan, Delos Santos, Mercado at Barazon  sa Misconduct at inatasang masuspinde ng anim na buwan sa  tungkulin ng walang sahod.

Sa imbestigasyon, noong February 2008, hiniling ni Ejercito sa City Council na bigyan siya  ng otorisasyon para sa pagbili ng high-powered firearms gamit ang kanilang calamity fund. Sinabi ni Estrada na ang procurement ay isang investment para sa disaster preparedness.”

Bunga nito, nagpasa ang mga konsehal ng City Ordinance No. 9 (Series of 2008) nag-ootorisa kay  Ejercito sa pagbili ng matataas na kalibre ng armas para sa  San Juan Police Department.

Noong 2008, ang mga respondents ay bumili ng tatlong units ng model K2 cal. 5.56mm sub-machine guns at 17 units ng Daewoo model K1 cal. 5.56mm sub-machines guns na may halagang P2.1milyon.

Sa ilalim ng DBM-DILG Circular No. 2003-1, ang mga high-powered firearms  ay hindi ang mga items na bibilhin para sa  disaster relief and mitigation lalupat hindi naman naisailalaim sa state of calamity ang San Juan.

ANG

ANGELINO MENDOZA

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

CIRCULAR NO

CITY

CITY ADMINISTRATOR RANULFO DACALOS

EJERCITO

NBSP

SAN JUAN

TECHNICAL MALVERSATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with