^

Bansa

Hugas-kamay ni Soliman sa nabulok na bigas binira ni Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pwedeng mag­hugas-kamay si Department of Social Welfare and Development Secretary Corazon “Dinky” Soliman sa kanyang responsibilidad kaugnay sa pagtatapon ng nabulok na mga bigas at relief goods sa Dagami, Leyte.

“Inamin ni Soliman na galing sa DSWD ang mga bigas at relief goods pero iginiit niya na ang mga ito ay para sana sa mga biktima ng bagyong Ruby at Glenda na tumama sa bansa noong nakaraang taon at hindi para sa mga biktima ng super-typhoon Yolanda,” sabi ni Sen. Bongbong Marcos.

Ayon kay Soliman, iniimbestigahan na ng kanyang departamento kung bakit hindi naipamigay ang mga bigas at relief goods.

“Hindi naman maaaring ipasalo na lang ni Secretary Soliman sa kanyang mga bata ang responsibilidad na ito; sa huli siya ang may pananagutan,” ani Marcos.

Tinukoy ng Senador na nitong 2014 binatikos na ng Commission on Audit ang DSWD dahil sa pagkasira ng umaabot sa P2.8 milyong halaga ng relief goods para sa mga biktima ng Yolanda na nanalasa noong 2013.

“Sabi sa atin ng DSWD natuto na sila at kumuha pa nga ng mechanized na repacking system para daw ayusin ang kanilang sistema pero wala pa ring nangyari at patuloy na may nasisirang mga relief goods,” ani Marcos.

Ayon kay Soliman ang mga bigas at relief goods na ibinaon sa hukay na may lawak na 10 talampakan at lalim na 15 talampakan ay “unfit for human consumption”.

Sa naunang mga ulat tinatayang may 500 sako ng bigas ang itinapon sa hukay na natagpuan sa bayan ng Dagami.”

“Marami sanang mga biktima ng bagyo ang natulungan kung hindi nangyari ito. Dapat ideklarang ‘unfit for public service’ ang sinumang may kagagawan nito. Dapat may managot dito,” ani Marcos.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BONGBONG MARCOS

DAGAMI

DAPAT

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT SECRETARY CORAZON

MGA

SECRETARY SOLIMAN

SOLIMAN

YOLANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with