Reformed CTPL ng LTO, binira ni Castelo
MANILA, Philippines – Pinangangambahan ni Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo na uusbong lamang ang mga kartel sa multi-billion private vehicle insurance business kung ipapatupad ng Land Transportation Office (LTO) ang panukala nitong reformed Compulsary Third Party Liability (CTPL) system.
Ayon kay Castelo, monopolistic ang proposal ng LTO at hindi ito magbibigay daan para sa mas maayos na serbisyo at murang premium na makakasama sa kapakanan ng milyun-milyong private car owner sa bansa.
Sa hearing tungkol sa graft-ridden vehicle insurance industry na isinagawa ng House Committee on Metro Manila Development (MMD) sa pangunguna ni Castelo, isinulong ng LTO officials ang implimentasyon ng reformed CTPL system, kung saan dalawang administrador ang mangangasiwa sa mga insurance requirement ng mga pribadong sasakyan.
Sa dalawang administrador, isa ang bahala sa mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa odd number at ang isa naman ay para sa even, base na rin sa paliwanag ng LTO sa mga miyembro ng komite at stakeholders kabilang na ang mga insurance broker na dumalo sa pagdinig.
Pero agad pinuna ni Castelo na salat sa kumpitisyon ang naturang sistema dahil hinati lamang nito ang merkado sa dalawa—odd at even.
Aniya, kahit pa may dalawang administrador kung saan mapapasailalim ang ilang insurance companies, hindi maisusulong ng sistema ang kumpetisyon dahil hindi nito binibigyan ng kalayaan ang mga motorista na pumili ng kanilang gustong insurance firm bunsod na rin ng kanilang obligasyon na magpa-insure ng sasakyan base sa plaka ng mga ito.
- Latest