Sa DQ ni Poe Tapos na ang laban!
MANILA, Philippines – Ito ang sinabi kahapon ni dating House Speaker Prospero Nograles, na wala nang pag-asa pa na mabaligtad ang desisyon ng Commission of Elections (Comelec) sa pagkaka-disqualify nila kay Sen. Grace Poe sa pagtakbo nito bilang pangulo ng bansa dahil “slim to none” at ikinokonsidera na laglag na sila sa 2016 presidential election.
Sinabi ni Nograles, isang Ateneo De Manila Law bar topnotcher at human rights lawyer, na dapat humanap ng ibang legal na paraan si Poe at iapela ang kaso sa Korte Suprema para magkapagbigay ng pinal na desisyon pero napakaliit na lamang ang pagkakataon na makakuha pa ito ng ‘favorable ruling.’
“Grace Poe can have two options to reverse her disqualification including an appeal to the Supreme Court but as a lawyer, I think that her chance of reversing the Comelec ruling is slim to none. This issue can be debated to death but the lawyer in me thinks that she’s (Poe) already out of the race,” sabi ni Nograles.
- Latest