^

Bansa

Imbitasyon kay Isko sa senatorial line up kaliwa’t kanan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kaliwat kanan ang imbitasyong natatanggap ni Manila Vice Mayor Isko Moreno upang sumama sa senatorial lineup ng mga tatakbo sa  pagka- presidente at bise presidente sa 2016 elections.

Nabatid na sa pagdalo ni Moreno  sa Tan-ok  ni Ilocano Festival of Festival sa Ilocos Norte, personal itong ipinakila ni Ilocos Gov. Imee Marcos  sa may 60,000 katao na dumalo sa pagdiriwang.

Sinabi ni Marcos na kaibigan at kilala ng kanyang pamilya ang  pagkatao ni Moreno kaya’t  nararapat lamang na  suportahan  ito sa kanyang pagtakbo bilang senador  sa susunod na halalan. Mainit naman ang naging tugon ng  mga dumalo.

Matatandaang  inimbitahan din ni  Davao City Mayor Rodrigo Duterte kamakalawa si Moreno na sumama sa kanyang senatorial slate matapos ang deklarasyon  nito sa kanyang pagtakbo bilang  pangulo sa May 2016 elections.

Samantala, layunin ng Tan-ok festival na ma­ging competitive sa iba pang mga festival tulad  ng  Maskarra, Sinulog na dinaragsa ng  mga turista.

Ayon naman kay Mo­reno, ang pagpapalakas ng turismo ay pagpapalago ng ekonomiya ng bansa. Naniniwala ito na sa galing at talento ng mga Pilipino mas marami pang maibabahagi sa  mga kapwa Pilipino at turista.

Aniya, mas maraming mga kakaibang pagdiriwang ay mas tinatangkilik ng mga  turista ang isang  bansa.

ACIRC

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

ILOCANO FESTIVAL OF FESTIVAL

ILOCOS GOV

ILOCOS NORTE

IMEE MARCOS

MGA

MORENO

NBSP

PILIPINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with