^

Bansa

Mar-Leni ‘box office hit’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Parang pelikulang tumabo sa takilya ang unang tandem interview ng tambalang Mar Roxas at Leni Robredo.

Sa programa ng beteranang mamamahayag na si Lynda Jumilla, sumabak ang Mar-Leni tandem sa isang mala-dating game na laro kung saan titignan kung nagtutugma ang kanilang mga pananaw sa iba’t-ibang isyu.

Sa unang tanong tungkol sa solusyon sa traffic, isinulat ni Ro­xas ang tatlong bagay: “Cons­truction. Decongestion. Discipline.”

Ipinaliwanag ni Ro­­xas na kailangang mabawasan ang mga bus na dumadaan sa EDSA at bigyan ng alternatibong daan ang mga motorista.

“Importante na may disiplina ang mga drayber natin sa daan,” banggit niya. Pareho naman ito sa sagot ni Robredo na kailangan ng bagong imprastruktura at daanan bukod sa EDSA.

Inihayag na rin ng dalawa ang kanilang programang Karapatan Fund na may halagang 100 bilyong piso na lahat ng 1,490 munisipalidad sa Pilipinas ay makakakuha ng pondo depende kung gaano karaming residente ang nakatira rito.

Walang palya ang mga sagot nina Roxas at Robredo na nagpakita ng kanilang pagiging isa sa mga programa at polisiyang itinutulak nila.

Biro ni Robredo: “Para kaming bibingka. Para siyang may apoy sa taas at may apoy pa sa baba. We’re looking at things using different lenses.”

Siniguro naman ni Roxas ang pagpupursige nilang madala ang kaunlaran hindi lang sa Maynila kundi sa mga probinsiya rin. “Talagang mata-transform, hindi lang ka-Maynilaan, hindi lang Bikol, hindi lang Visayas, pero lahat ng ba­yan dahil mayroon silang garantisadong fund para sa kanilang kaunlaran,” giit nito.

ACIRC

ANG

BIKOL

BIRO

KARAPATAN FUND

LENI ROBREDO

LYNDA JUMILLA

MAR ROXAS

MGA

ROBREDO

ROXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with