^

Police Metro

Ex-Lagayan, Abra mayor itinumba ng nakamotor

Joy Cantos - Pang-masa
Ex-Lagayan, Abra mayor itinumba ng nakamotor

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on- arrival sa ospital ang isang dating mayor sa bayan ng Lagayan, lalawigan Abra nang pagbabarilin ng mga suspek na nakamotorsiklo sa harap ng kanyang bahay sa Barangay ­Dangdangla, Bangued kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jendrics Seares Luna, 54, na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Si Luna ay anak ni ­dating Bangued Congresswoman Cecilia Luna ay tumakbo sa ­Sangguniang Panlalawigan nitong nakalipas na eleksiyon pero natalo.

Batay sa report ng Abra Police, alas-8:22 ng umaga ay nasa harapan ng kanyang bahay ang biktima nang biglang sumulpot ang dalawang motorsiklo na sinasakyan ng mga salarin at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang biktima.

Sunud-sunod na putok ang umalingawngaw sa lugar kung saan duguang humandusay ang biktima habang mabilis namang tumakas ang mga salarin na riding-in-tandem sa dalawag motorsiklo.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero nabigo ng maisalba ang buhay nito.

Agad na nagsagawa ang pulisya ng dragnet operations para sa ikadarakip ng mga suspek.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with