Palasyo ‘di kabado kay Duterte
MANILA, Philippines – Walang-kaba na naramdaman ang Palasyo sa pagdedeklara ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na lumahok sa presidential race sa 2016.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, maliwanag ang programang isinusulong ng kandidato ng administrasyon na si Mar Roxas, at ito ay ituloy ang daang Matuwid.
Sa panig naman ni Pangulong Aquino sa coffee with the media sa ASEAN Summit, sinabi nito na puro espekulasyon lamang ang kanyang masasabi dahil wala siyang hawak na dokumento ukol dito.
“Pagdating kay Duterte, ano ba ang tamang impormasyon? Parang mag-i-speculate na naman ako. For instance, aadapin (adopt) siya ng PDP Laban, tapos may lumabas na istorya, ‘yung kandidato ng PDP Laban nag-file daw for mayor imbes na for president. So kapag sinabi kong pwede ba siyang mag-file? Speculation. Wala naman akong kopya ng document. Baka naman sabihin hindi ‘yung document itself pero ‘yung intent. Iyong next line doon hindi kaya nagkaroon ng may magtatanong na naman hindi kaya nagkaroon ng extension period si Manong Digong? May deadline kung kelan mag-fi-file. Biglang ngayon pwede kang mag-file after that period. So lahat ‘non speculation,” wika ni PNoy.
- Latest