Government maging aktibo sa climate meet
MANILA, Philippines – Hinikayat ni disaster preparedness advocate Atty. Francis Tolentino ang pamahalaan ng Pilipinas na maging aktibo sa isasagawang United Nations (UN) climate summit na gaganapin sa France sa katapusan ng buwan.
Ito ang panukala ni Tolentino, dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority, matapos namang mapag-usapan ang mga aksyon ng iba’t-ibang bansa ukol sa climate change sa katatapos lang na APEC Economic Leaders Meeting sa bansa.
“Dahil sa dami ng bagyo at iba pang kalamidad na tumatama sa atin bawat taon, pagkakataon ng Pilipinas ang climate summit para maisulong ang agenda na bumuo ng ‘regional insurance pool’, ani Tolentino.
Umaasa si Tolentino na makapagbabalangkas ng panukala ang Pilipinas para sa regional insurance pool sa pangangasiwa sa mga kalamidad at matatalakay sa summit na dadaluhan ni Pangulong Noynoy Aquino.
- Latest