^

Bansa

Sen. Poe wagi sa SET

Rudy Andal at Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang disqualification case laban kay Senator Grace Poe ni Rizalito David tungkol na rin sa isyu ng citizenship nito.

Sa botong 5-4, dinismis ang petition ni David  na idiskuwalipika si Poe upang tumakbo sa pagkapangulo sa 2016.

Ang mga senador na bumoto para balewalain ang petisyon ay ang mga kasamahan sa Senado ni Poe na sina Senators Loren Legarda, Cynthia Villar, Bam Aquino, Pia Cayetano at Tito Sotto.

Habang ang mga bumoto para i-disqualify si Sen. Grace ay sina Supreme Court Sr. Associate Justice Carpio, SC Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro, SC Associate Justice Arturo Brion at Sen. Nancy Binay.

Kinuwestyon ng natalong 2013 senatorial candidate na si David sa SET ang pagiging natural-born Filipino ni Poe dahil sa pagiging ampon nito. Sa ilalim ng Konstitusyon ay dapat isang natural-born Filipino citizen ang mga kandidato sa presidente, bise-presidente, senador at kongresista habang ang mga tumatakbo sa local positions ay puwedeng naturalized citizens.

Bukod sa inihaing disqualification sa SET ay 4 pang disqualification case ang isinampa laban kay Poe sa Commission on Elections (Comelec) na kumukuwestyon din sa pagiging natural born Filipino citizen nito.

Sabi ng legal counsel ni Poe na si Atty. George Garcia, nagpapasalamat sila sa naging desisyon ng SET at ang panalo ni Poe sa kasong ito ay panalo rin ng mga Filipino foundlings.

Ayon naman sa taga­pagsalita ni Sen. Poe na si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, naniniwala sila na mababasura na rin ang 4 pang inihaing disqualification case ni Poe sa Comelec.

ANG

ASSOCIATE JUSTICE ARTURO BRION

ASSOCIATE JUSTICE TERESITA LEONARDO-DE CASTRO

BAM AQUINO

COMELEC

CYNTHIA VILLAR

GEORGE GARCIA

NANCY BINAY

PIA CAYETANO

POE

RIZALITO DAVID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with