^

Bansa

HIV sa kabataan, lumobo ng 500%!  

Malou Escudero, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
HIV sa kabataan, lumobo ng 500%!        
The chart shows the number of newly diagnosed HIV cases from 1984 to April 2025.
Department of Health

Pinakabata 12-anyos

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 500% ang itinaas ng sexually transmitted infection na Human immunodeficiency virus (HIV).

Ayon kay Department of Health Secretary Teodoro Herbosa, umaabot sa 40 hanggang 57 kaso ng HIV ang naitatala araw-araw.

“Ngayon po nasa 40 to 57 cases a day. So almost 500% increase,” ani Herbosa.

Karamihan aniya sa nagkakaroon ng HIV sa ngayon ay mga kabataan na nasa 15 hanggang 25 taong gulang samantalang noong 2010 ay nasa pagitan ng 25 hanggang 35 taong gulang.

Ang pinakabatang naitala ayon kay Herbosa, ay 12 taong gulang na taga-Palawan.

“And karamihan kabataan, 15 to 25 years old. Whereas noong 2010, parang nasa 25 to 35 years old yung age group. Meron pa tayong kaso na sa Palawan, 12 years old. Most recent na na-report ng media rin na 12 years old nag-positive,” ani Herbosa.

Nakakaalarma aniya ang pagtaas ng kaso ng HIV lalo pa’t ang Pilipinas ang may pinakamara­ming naitatala sa Western Pacific Region.

Idinagdag ni ­Herbosa na sa ngayon nasa 148,000 ang may HIV sa Pilipinas na posibleng madagdagan ng 26,000 taun-taon kung magpapatuloy ang naitatalang 56 cases a day.

Sinabi rin ni Herbosa na halos pareho rin ang transmission ng HIV at Mpox sa pamamagitan ng sexual contact.

Lumabas din na 95% ng mga bagong kaso ng HIV ay mga lalaki na naki­pag-sex sa kapwa lalaki.

Kaugnay nito, ­umapela na ang DOH sa mga awtoridad na ­maideklarang isang national public health emergency ang HIV sa bansa.

Ayon kay Herbosa, ang mas malaking problema ng bansa sa ngayon na dapat tutukan ay hindi ang Mpox, kundi ang HIV dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso nito.

HUMAN IMMUNODEFICIENCY VIRUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with