P68 M fuel fund ng AFP sa Yolanda, may anomalya – COA
MANILA, Philippines – May nakita umanong anomalya ang Commission on Audit (CoA) sa P68 million na ginamit ng Armed Forces of the Philippines’ (AFP) sa Yolanda response at rescue operations noong 2013 para lamang sa fuel ng kanilang mga sasakyan.
Ayon sa CoA report, hindi nasunod ang mga panuntunan na itinatadhana ukol sa procurement process.
Kulang din umano sa dokumento ang naging transaksyon sa pagkuha ng fuel supply.
Napuna ng CoA na mula sa P68 million ay nasa P58 million dito ang nai-deposito sa Petron bilang bayad sa mga produkto, habang ang natirang halaga ay napunta sa withholding tax na pabor pa rin sa nabanggit na oil firm. Nabatid na ang naturang alokasyon ay bahagi ng P118.65 million Quick Response Fund (QRF) ng AFP.
- Latest