OTS chief pinagbibitiw
MANILA, Philippines – Hiniling ni Nationalist Peoples Coalition (NPC) Rep. Win Gatchalian na magbitiw na si Office for Transportation Security (OTS)Undersecretary Roland Recomono dahil sa pagtatanggol nito sa kanyang tauhan kaugnay ng nakalusot na 2.5 kilo ng cocaine sa NAIA 3 na nakalagay sa hand-carry bag ng Filipina na nahuli sa Hongkong airport noong September.
Bagamat inamin na posibleng may sindikato sa likod ng cocaine smuggling sa NAIA 3 ay inabswelto naman agad ni Recomono ang kanyang mga OTS screeners na nabigong mahuli ang kontrabando.
“Instead of ordering a no-nonsense probe on the 2.5 kilo cocaine smuggling to determine who were behind it, Usec Recomono came to the defense of his OTS personnel and virtually absolved them of any liability,” wika ni Gatchalian.
Sinabi ni Recomono noong Martes na hindi naman malalamang droga ang nasa bagahe kapag dumaan sa X-ray bagkus ay lilitaw lamang itong organic substance.
Kinuwestiyon ni Gatchalian, ang isang bala sa bagahe ng mga pasahero ay agad-agad nilang nakikita sa pamamagitan ng tanim-bala modus pero ang 2.5 kilo ng cocaine ay nakalusot sa kanilang mga mata.
Magugunita na 4 Pinay na nagdala ng 2.5 kilo ng cocaine ang hinuli sa HK noong September 26.
Sabi ni Gatchalian, kung hindi magkukusang magbitiw si Recomono ay dapat sibakin na ito ni DOTC Sec. Jun Abaya.
- Latest