‘Tanim-bala’ probe sisimulan ng Senado
MANILA, Philippines - Iimbitahan ni Sen. Sergio Osmeña III, acting chairman ng Senate committee on public services ang mga naging biktima ng laglag-bala scam sa gagawing pagdinig ng komite bukas.
Bukod sa imbitasyong ipapadaan sa mga biktima, kukunin din ng komite ang report ng National Bureau of Investigation (NBI) tungkol sa sinasabing scam sa NAIA.
Nasa isang dosena na aniya ang mga biktimang nare-release matapos maglagak ng piyansa.
Sinabi pa ni Osmeña na ilalagay nila sa record ang testimonya ng mga biktima ng laglag-bala na ang iba ay mga OFWs.
Naniniwala rin umano si Osmeña na may sindikato sa NAIA lalo pa’t 14 kaso lamang ang napaulat noong 2014 na tumaas at naging 115 ngayong 2015.
Kabilang din sa mga iimbitahan ang mga opisyal ng paliparan at maging si DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya.
- Latest