Poe nahaharap sa Ika-4 na disqualification case sa Comelec
MANILA, Philippines – Isa na namang disqualification case ang inihain laban kay Sen. Grace Poe sa Commission on Elections (Comelec) ngayong Lunes.
Tulad ng naunang tatlo, nais din ni Amado Valdez, dating dekano ng University of the East Law, na ipabasura ng certificate of candidacy ni Poe sa pagkapangulo sa 2016.
Kinukuwestiyon ng mga naghain ng reklamo laban kay Poe ang citizenship ng senadora.
Bukod sa disqualification case sa Comelec ay nahaharap din sa Poe sa parehong reklamo sa Senate Electoral Tribunal.
Inihain ni senatorial bet Rizalito David ang reklamo upang madiskwalipika si Poe bilang senador dahil din sa kuwestiyonableng citizenship.
Sa pagdinig ng SET ay sinabi ni Supreme Court senior Associate Justice Antonio Carpio na isang naturalized citizen si Poe dahil isa siyang foundling kaya hindi siya maaaring humawak ng puwesto sa gobyerno.
Kailangang patunayan ni Poe na isa siyang natural-born citizen, ngunit sa kaniyang DNA test sa mga posibleng kamag-anak ay negatibo ang naging resulta nito.
Samantala, handa ang napapabalitang kapatid ni Poe na si Sen. Bonbong Marcos na magpa-DNA test upang tulungan ang senadora.
- Latest