Misa, candle lighting sa Yolanda 2nd anniversary
TACLOBAN CITY, Philippines – Ginunita kahapon ang ikalawang taong anibersaryo ng super typhoon Yolanda na nanalasa at sumira sa kabuhayan ng mga residente sa Eastern Visayas.
Isang comemmorative walk ang idinaos na dinaluhan ng mga city government officials, national officials gaya nina Vice President Jejomar Binay at running mate nito na si Gringo Honasan, gayundin sina Sen. Bongbong Marcos, Leyte Rep. Martin Romualdez at Tacloban Mayor Alfred Romualdez.
Isinagawa rin ang unveiling ng Astrodome Memorial Marker kung saan makikita sa Tacloban Astrodome bilang isang istrakturang magpapaalala kung paano muling bumangon ang mga survivors ng super bagyo sa kabila ng hirap at dalamhati.
Nagkaroon din ng banal na misa sa mga mass graves partikular sa Holy Cross Cemetery sa Barangay Basper sa Tacloban kung saan inilibing ang may pinakamaraming namatay na aabot sa 2,273.
Magkakasunod ding pinatunog ang mga kampana ng simbahan matapos ang misa.
Highlight din ang simultaneous lighting of candle na aabot sa 50,000 na kandila sa mga kalsada mula Tacloban, Palo, Tanauan at Tolosa sa Leyte. Ang kikitain sa kandila na binili ng tig-P20 bawat isa ay mapupunta para sa rehabilitation program.
- Latest