^

Bansa

Presong matagal na sa Bilibid dapat palayain na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Para hindi maging congested, nanawagan ang chaplain at opisyal na tagapagsalita ng New Bilibid Prison (NBP) na si Monsignor Robert “Bobby” Olaguer kay Pangulong Aquino na palayain na nito ang mga presong matagal ng nakakulong.

Ayon kay Olaguer, ang kapasidad lang dapat ng NBP ay 7,500 inmates, subalit sa ngayon ay nasa 23,000 na ang nakakulong sa naturang pambansang bilangguan.

Dapat gamitin ni Aquino ang executive power nito sa pagpapalaya ng mga presong matagal ng nakapiit.

Ang mga presong may hatol na life sentence o 40-taong pagkakulong, kapag nasa 25-39 taon nang nakabilanggo ay maaari na aniyang lumaya.

Hirap din ang NBP na magmantina ng nasabing bilangguan sa sobrang dami ng preso samantalang nasa 1,800 lamang ang kanilang mga personnel kabilang dito ang mga prison guard simula pa noong 1999 at hindi naman aniya ito nadadagdagan hanggang sa ngayon.

Nang dumating si Pope Francis nitong Ene­ro, nasa 300 inmates ang kanilang nirekomenda sa Department of Justice (DOJ) para lumaya.

Subalit sa pag-alis ni Pope Francis ay bumalik sa NBP ang mga papeles ng may 300 preso kaya hanggang ngayon ay nakakulong pa ang mga ito.

Buti pa anya ng panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, tuwing Pasko at Bagong Taon ay may pinalalaya itong preso. Ang pinakabatang nakakulong ngayon sa NBP ay nasa 25-anyos at ang pinakamatanda ay 92.

ACIRC

ANG

BAGONG TAON

DEPARTMENT OF JUSTICE

MGA

MONSIGNOR ROBERT

NEW BILIBID PRISON

OLAGUER

PANGULONG AQUINO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

POPE FRANCIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with