^

Bansa

Leni may panukala sa tanim-bala

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihain ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo sa mababang kapulu­ngan ng Kongreso ang isang panukalang-batas na magtatadhana na walang pananagutang kriminal ang pagdadala ng hindi hihigit sa tatlong bala.

Layunin ng kanyang House Bill 6245 (Iwas Tanim Bala) na wakasan na ang operasyon ng mga tanim bala syndicate na bumibiktima sa mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport.

Ginawa niya ang hakbang matapos arestuhin ang ilang pasahero sa dahil sa pagkakaroon ng bala sa kanilang bagahe.

Bukod anya sa pangingikil, ang scam ay paglabag sa ating karapatan na malayang makapagbiyahe at ma­laking kasiraan para sa bansa dahil ilan sa mga biktima ay mga turista na nagbakasyon lang sa bansa.

“Kapag nagpatuloy pa ang Tanim Bala scam, siguradong maaapektuhan ang ating pagkilos na palakasin ang turismo dahil ang NAIA ang gateway sa country,” wika ni Rob­redo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUKOD

CAMARINES SUR REP

GINAWA

HOUSE BILL

INIHAIN

IWAS TANIM BALA

LENI ROBREDO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

TANIM BALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with