^

Bansa

Poe dedma lang sa black prop

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na raw paiimbestigahan ni Sen. Grace Poe ang ilang black propaganda laban sa kanya.

Kamakalawa ay nakatanggap ang mga reporter sa Senado ng isang press release na sinasabing umaatras na raw si Poe bilang kandidatong presidente.

Ang email na natanggap ng mga reporter ay nagmula sa email address na <[email protected]>.

“Kakatwa na ayaw imbestigahan ni Senador Poe ang insidente sa email na iyon,” pagtataka naman ni Daang Matuwid coalition spokesperson at Akbayan Rep. Barry Gutierrez.

Ilang beses ng umalma si Poe sa mga isyung ibinabato sa kanya at sinasabing desperado ang mga kalaban nito sa pulitika.

“Pagkatapos umangal ng foul tuwing merong isyung ibinabato sa kanya, lehitimo man o hindi, parang tinatakasan niya ang oportunidad na hubaran ang mga nasa likod ng black propaganda,” puna ni Gutierrez. “Palaging ang Liberal Party ang laging naituturo ng kampo ni Poe, ang partido ng administrasyong Aquino at ng pambato ng Daang Matuwid Mar Roxas. Baka kuntento na si Poe sa atensyon at media na dulot ng pagtuturo sa LP?”

vuukle comment

ACIRC

AKBAYAN REP

ANG

AQUINO

BARRY GUTIERREZ

DAANG MATUWID

DAANG MATUWID MAR ROXAS

GRACE POE

ILANG

LIBERAL PARTY

SENADOR POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with