^

Bansa

Rep. Reyes kinasuhan ng ‘pang-aagaw ng kapangyarihan’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinasuhan ng pang-aagaw ng kapangyarihan si Marinduque Rep. Regina Reyes sa Metropolitan Trial Court sa Quezon City.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Article 171 ng Revised Penal Code si Rep. Reyes ni dating Marinduque Rep. Allan Jay Velasco sa MTC dahil sa ‘pangangamkam’ umano nito sa karapatan ni Velasco bilang kinatawan ng Marinduque sa Kamara kahit alam niyang hindi siya karapat-dapat sa posisyon.

Noong May 2013 elections ay kinansela ng Commission on Elections (Comelec) ang certificate of candidacy ni Reyes makaraang mapatunayang US citizen ito at hindi nakatira sa Pilipinas kaya hindi pinayagang tumakbo sa congressional race sa lone district ng Marinduque.

Ang desisyon ng Comelec ay naging pinal matapos pagtibayin ito ng Korte Suprema kaya pinawalang-ha­laga ng Comelec ang naging proklamasyon kay Reyes bilang nanalong kongresista kaya si Rep. Velasco ang prinoklama ng board of canvassers bilang nanalong kongresista noong July 16, 2013 kung saan ay hindi nagpahayag ng pagtutol si Reyes.

Hiniling ni Velasco sa Kamara na payagan siyang maupo bilang kinatawan ng Marinduque pero tinanggihan ito ng Kamara.

ALLAN JAY VELASCO

COMELEC

KAMARA

KORTE SUPREMA

MARINDUQUE

MARINDUQUE REP

METROPOLITAN TRIAL COURT

NOONG MAY

QUEZON CITY

REYES

VELASCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with