^

Bansa

‘Justice for sale’ pinasisiyasat

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang anti-corruption group kay Pangulong Noynoy Aquino na imbestigahan ang ulat na umano’y isang mahistrado ng Court of Appeals ang tumanggap ng suhol kapalit ng paborableng desisyon.

Sinabi ng Alliance for Walang Corrupt or AliWaCo na, batay sa kanilang impormasyon, tumanggap umano ang naturang hukom ng P20 milyon mula sa isang kontrobersyal na negosyante na sangkot sa government housing at port operations.

“Nababahala kami sa sistema ng hustisya sa bansa ngayong sangkot na naman sa isyu ng justice for sale ang Court of Appeals.  Panahon nang manghimasok ang pamahalaang Aquino at ang Supreme Court at ilantad ang mga tiwaling mahistradong ito,” sabi ni AliWaCo spokesperson Dennis Mogare.

Ang kinukuwestyong mahistrado ay naging asso­ciate justice ng CA noong 2008.

Nanawagan din si Mogare kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno na imbestigahan ang alegasyon na nabibili ang ilang desisyon sa CA.

Dapat din anyang magsagawa ang ethics committee ng CA ng imbestigasyon at magsumite ng report at rekomendasyon sa loob ng 30 araw.?Nakahanda anya ang grupo na isumite sa SC ang pangalan, detalye at mga katibayan laban sa mahistrado.

ACIRC

ANG

AQUINO

CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

COURT OF APPEALS

DAPAT

DENNIS MOGARE

NANAWAGAN

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SUPREME COURT

WALANG CORRUPT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with