^

Bansa

Biktima ng kalamidad isama sa 4Ps!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isnusulong ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na isama sa binibigyan ng buwanang tulong pinansiyal ng gobyerno ang mga biktima ng kalamidad tulad ng nagdaang bagyong Lando.

Ayon kay Recto, kailangan rin ng mga biktima ng bagyo ng pangmatagalang tulong kaya dapat silang isama sa Conditional Cash Transfer program ng gobyerno.

“We can call it Conditional Cash for Typhoon Victims or CCTV. Pwede rin Care and Cash for Typhoon Victims,” ani Recto.

Dapat aniyang isaalang-alang ang pagbibigay ng cash sa mga biktima ng bagyo na kukunin sa conditional cash transfer system ng gobyerno.

“Seriously, the idea is to reserve a certain percentage of CCT beneficiaries in a year for disaster victims,” ani Recto.

Hindi aniya dapat mabuhay sa relief bags lamang ang mga biktima ng kalamidad at dapat maisama sila sa nabibiyayaan ng 4Ps.

“Calamity victims should not live from one relief bag to another. One of the best forms of aid is the 4Ps because it is regular, guaranteed and sustained. ‘Yan ang tunay na pantawid - hindi pansamantala o panandalian,” ani Recto.

Hindi aniya kailangan ng mga magsasaka ng mga bag ng sardinas dahil ang dapat ibigay sa kanila ay pangmatagalang tulong.

ACIRC

AYON

CARE AND CASH

CONDITIONAL CASH

CONDITIONAL CASH TRANSFER

DAPAT

ISNUSULONG

LANDO

MGA

SENATE PRESIDENT PRO-TEMPORE RALPH RECTO

TYPHOON VICTIMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with