^

Bansa

‘Mag-pinakbet muna, wag chopsuey’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “Mag-pinakbet na lang muna kayo saka na ang chopsuey.”

Ito ang hiniling ni Agriculture Sec. Proceso Alcala sa publiko dahil sa naging pagtaas ng halaga ng mga panindang gulay sa mga palengke at mga pamilihan.

Ayon kay Alcala, hindi maiiwasan na tumaas ang gulay sa ngayon laluna ang mga high value crops tulad ng mga gulay na sangkap sa “chopsuey” dahil nagmumula ito sa  Benguet na sinalanta ng bagyong Lando.

Ang cauli flower, carrots, repolyo, red pepper, sitsaro na gamit sa pagluluto ng chopsuey ay produktong Benguet samantalang ang pinakbet na may sangkap na talong, kalabasa, sigarilyas at sitaw ay nagmumula naman sa maraming lalawigan na hindi nasalanta ni Lando.

Sinabi ni Alcala na patuloy ang ginagawang pagtulong ng ahensiya sa mga magsasaka na nasalanta ni Lando sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga buto at pananim para makapagsimulang muli.

Sinabi rin ng kalihim na bagamat maraming palay farmers ang naapektuhan ng nagdaang bagyo, hindi naman kukulangin sa butil ang bansa dahil sapat ang imbak na bigas ng National Food Authority para magamit sa mga susunod na mga araw.

Hindi rin kukulangin ang suplay ng mga karne ng baboy at manok kahit ang malaking sector ng hayupan sa Luzon ay nasalanta rin ni Lando. Anya maraming suplay ng produkto sa bansa laluna sa mga probinsiya na hindi naman naapektuhan ng bagyo.

AGRICULTURE SEC

ALCALA

ANG

ANYA

AYON

BENGUET

LANDO

MGA

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PROCESO ALCALA

SINABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with