^

Bansa

COC ni Pacquiao pinababasura sa Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi lamang si Sen. Grace Poe ang  kinukuwestiyon ang kandidatura sa Commission on Elections (Comelec) kundi pati na rin Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Kahapon ay hiniling ng private petitioner na si Ferdinand Sevilla sa Comelec na ibasura ang certificate of candidacy (CoC) ni Pacquiao para tumakbong senador sa 2016 elections.

Sa petisyon ni Sevilla, dapat umanong tanggalin si Pacquiao sa listahan ng mga kandidato at ideklara itong nuisance candidate. Wala umanong karapatan si Pacman na kumandidato sa mas mataas na posisyon dahil kulang ito sa kwalipikasyon.

Isa rin aniya sa mga mambabatas na may pinakamaraming pagliban sa Kamara ang Pinoy boxing superstar.

Kapansin-pansin din aniya ang paglahok ni Pacquiao sa debate noon ukol sa Reproductive Health Bill dahil inuulit lang nito ang mga dati nang naitanong ng kaniyang mga kapwa kongresista.

Si Pacman ay isa sa mga kandidatong senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) na pinangu­ngunahan ni Vice President Jojo Binay.

ACIRC

COMELEC

FERDINAND SEVILLA

GRACE POE

PACQUIAO

REPRODUCTIVE HEALTH BILL

SARANGANI REP

SI PACMAN

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

VICE PRESIDENT JOJO BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with