^

Bansa

Dahil sa pag-ulan, water shortage hindi lulubha - Maynilad

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi lulubha ang water shortage na nararanasan ng may 56 percent water consumers ng Maynilad Waters sa Metro Manila.

Ito ayon sa Maynilad ay dulot ng reserbang tubig na naipon sa may Ipo Dam dulot naman ng patuloy na pag-uulan sa Bulacan area na kinaroroonan ng naturang Dam.

Ang tubig sa Ipo Dam ay nakatulong sa panga­nga­ilangan sa water production level  sa Angat Dam.

“We do weekly simulations to determine how the rains help to cushion the impact of reduced raw water allocations from Angat Dam, our latest computations show that we can still meet the West Zone’s water requirements for another week,” pahayag ni Maynilad Water Supply Operations head, Engr. Ronald Padua.

“If rains continue to fall at the Ipo watershed, we can keep our service levels unchanged up to the end of October,” dagdag ni Padua.

Mula noong September 16,2015 ang Maynilad ay nagsasagawa ng 7 hour off-peak water service interruptions mula alas 9 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw para makatipid sa gamit ng tubig sa panahon ng El Niño phenomenon.

Ito ay nang bawasan ng National Water Resources Board ang  raw water allocation sa Metro Manila ng mula 38 cubic meters per second (CMS) noong Setyembre ay ginawang 36 CMS ngayong Oktubre.

ACIRC

ANGAT DAM

EL NI

IPO DAM

ITO

MAYNILAD

MAYNILAD WATER SUPPLY OPERATIONS

MAYNILAD WATERS

METRO MANILA

NATIONAL WATER RESOURCES BOARD

WATER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with