Miriam umaasa sa boto ng mga kabataan
MANILA, Philippines — Tulad ng ibang presidential aspirants, naghain na rin ng certificate of candidacy (COC) si Sen. Miriam Defensor-Santiago ngayong Biyernes.
"I am going to run under People's Reform Party," pahayg ni Santiago matapos magpasa ng kaniyang COC sa tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros.
Sinabi ni Santiago na tutuon ang kaniyang kandidatura sa mga kabataan kung saan patok na patok siya sa social media.
BASAHIN: Miriam tatakbong pangulo sa 2016
Makakatambal ng senadora ang kapwa senador na si Bongbong Marcos na naghain na ng kaniyang COC kahapon.
Napagdesisyunang tumakbo ni Santiago matapos gumaling sa sakit na cancer.
Taong 1992 nang tumakbo bilang pangulo si Santiago ngunit natalo kay dating Pangulo Fidel V. Ramos.
- Latest