Roxas-Robredo Senate slate ihahayag ngayon
MANILA, Philippines – Ihahayag na ngayong araw ang Senate slate ng Aquino administration sa isang simpleng press conference sa headquarters ng Liberal Party sa Cubao, lungsod Quezon.
Pangungunahan mismo ni Pangulong Aquino ang pag-aanunsyo ng mga kakandidato bilang senador sa ilalim ng Daang Matuwid coalition. Marami ng pangalan ang lumutang kung sino ang bubuo ng senatorial line-up ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon sa eksaktong bilang nito.
“Kapag inihain natin sa ating mga Boss ang ating senatorial slate, lalo pang magiging malinaw: habang hirap na hirap ang iba na magtagpi-tagpi ng koalisyon, buong-buo naman ang ating puwersa,” pagmamalaki ni PNoy pagkatapos ianunsyo si Camarines Sur Rep. Leni Robredo bilang running mate ng pambato ng Daang Matuwid na si Mar Roxas.
Kabilang sa mga siguradong may upuan na sa senate slate ni Roxas at Robredo sina Senate President Frank Drilon, Sen. Ralph Recto, Kiko Pangilinan, Justice Secretary Leila de Lima, TESDA Director General Joel Villanueva, dating Energy Secretary Jericho Petilla at dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros.
- Latest