P3.002T 2016 budget aprub
MANILA, Philippines – Aprubado na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang P3.002 Trillion na budget para sa 2016.
Sa botong 230 na ‘Yes’ at 20 ‘N’o ay naipasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 6132 o 2016 General Appropriations Act sa pamamagitan ng nominal voting.
Dahil sinertipikahang urgent bill ni Pangulong Aquino kaya idineretso na ang panukala sa 3rd and final reading pasado alas-10 ng gabi.
Para sa 2016, nanguna pa rin sa pinaglaanan ng pinakamalaking pondo ang Department of Education na may P 435.9 bilyon kasunod ito ng DPWH (P394.5 bilyon), Defense (P172.7 bilyon), DILG (P154.5B), DOH (P128.4B), DSWD (P104,2 bilyon), Agriculture (P93.4 bilyon). Finance (P55.3 bilyon), DOTC (P49.3 bilyon), DENR (P25.8 bilyon) at DOST (P18.6 bilyon).
Mas mataas ang panukalang pondo sa 2016 ng 15.2% kumpara sa 2015 budget.
- Latest























