Duterte-Cayetano hirit ng netizens
MANILA, Philippines – Kinumpirma kahapon ni Senator Alan Peter Cayetano na patuloy ang natatanggap nilang suporta ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte lalo na sa mga netizens kahit hindi pa tiyak kung matutuloy ang kanilang tambalan sa eleksiyon sa susunod na taon.
Sinabi ni Cayetano na bagaman at ayaw niyang pangunahan si Duterte kung tatakbo ito o hindi, may mga supporters na silang nagpakalat ng mga tarpaulin partikular dito sa Metro Manila.
“When I asked about it ang sabi noong mga naglagay it’s more of encouraging us to run and to run together. So it’s a parang gusto nilang ipahayag ang damdamin nila,” ani Cayetano sa panayam.
May mga nagpahayag umano ng suporta gamit ang Facebook at ang iba naman ay nagpa-print ng tarpaulin sa harap ng kanilang bahay.
“So yong iba did it in Facebook yong iba did it in social media yong iba sa harap ng bahay nila, yong iba nag-print na sila…this is expression of support so kung ang ibang partido sa gathering of friends ang expression of supports nila sa amin it’s individual and community expression of support and I am thankful,” ani Cayetano.
Inihayag din ni Cayetano na hindi niya pangungunahan sa paghahain ng certificate of candidacy si Duterte bagaman at posible umanong magkasabay silang gawin ito.
Sinabi rin ni Cayetano na maging ang mga small businessmen ay nagpahayag na sa kanila ng suporta at hindi na mapigilan ang paggalaw ng mga ito sa Metro Manila at maging sa ilang lugar sa Visayas.
- Latest