^

Bansa

Hatol sa Maguindanao massacre inaasahan sa 2016

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naniniwala si Justice Secretary Leila de Lima na maibaba ng korte ang  hatol sa mga akusado sa Maguindanao massacre bago matapos ang termino ni Pangulong  Benigno  Aquino III sa  2016.

Ayon kay De Lima,  umaasa siyang magkakaroon ng convictions particular kina Datu Andal “Unsay” Ampatuan, Jr. at  Datu Zaldy Ampatuan na sinasabing pangunahing suspek sa karumal-dumal na  pagpatay  kabilang na ang mga mamamahayag.

Hindi na aniya kasama dito si Datu Andal Ampatuan, Sr. na pumanaw na noong Hulyo. Matatandaang umabot sa 58 katao kabilang ang 32 journalists ang brutal na pinaslang sa kasagsagan ng paghahain ng certificates of candidacy (COCs) para sa 2010 elections sa Maguinda­nao.

Ito naman ang naita­lang pinakamalalang election-related violence incidents at deadliest attacks sa mga media practitioners. Tiwala si De Lima na matutuldukan na ang kaso sa kabila ng  mga pagkaantala sa kaso.

Ito aniya ang commitment ng Pangulong Aquino na siguraduhin na may mananagot sa kaso.

ACIRC

AMPATUAN

ANG

DATU ANDAL

DATU ANDAL AMPATUAN

DATU ZALDY AMPATUAN

DE LIMA

ITO

JUSTICE SECRETARY LEILA

NBSP

PANGULONG AQUINO

SOCCSKSARGEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with