^

Bansa

DOTC binatikos sa bidding ng Albay airport

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa patuloy na pagkakaantala sa konstruksiyon ng Bicol International Airport sa Daraga, Albay, binasag na ni Governor Joey Salceda ang pananahimik at lantaran nang binatikos ang Department of Transportation and Communications (DOTC).

Hindi umano kasi maintindihan kung bakit hindi na naman kinilala ng ahensiya ang nanalong bidder para sa nabanggit na proyekto at sa halip ay nagtakda na naman ng panibagong bidding na lalo pang magpapaantala sa pag-umpisa ng konstruksiyon ng nabanggit na paliparan.

Bukod sa pagkakaantala ng proyekto dahil sa napipintong panibagong bidding, mawawala din umano sa kaban ng bayan ang mula 100 milyon hanggang P170 milyon na matitipid kung hindi diniskuwalipika ng DOTC ang nanalong bidder.

Sinasabi rin na posibleng mayroong pinapaboran ng contractor ang DOTC at maari umanong isali na ito sa susunod na bidding. “This would further delay – by at least one year – the actual construction of the long-awaited Bicol International Airport. All our best-laid plans for tourism development and job creation will suffer as a consequence,” dismayado pang banggit ni Salceda tungkol sa umano’y panibagong bidding.

Panawagan pa ng gobernador kay DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya na personal nitong pangasiwaan ang nabanggit na proyekto upang hindi mapunta sa baku-bakong sistema ang matuwid na landas na tinatahak ng gobyerno.

ALBAY

ANG

BICOL INTERNATIONAL AIRPORT

BUKOD

DAHIL

DARAGA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

GOVERNOR JOEY SALCEDA

PANAWAGAN

SALCEDA

SECRETARY JOSEPH EMILIO ABAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with