^

Bansa

Bagong DILG chief hinirang ni PNoy

Rudy Andal at Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inanunsyo kahapon ni Pangulong Aquino na si Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento ang papalit kay DILG Sec. Mar Roxas sa sandaling magbitiw ito sa puwesto at magsumite ng kanyang certificate of candidacy bilang presidential candidate.

Inalok ng Pangulo si Rep. Sarmiento, secretary-general ng Liberal Party (LP) bilang susunod na DILG chief na tinanggap naman umano ng kongresista.

“Congressman Mel Sarmiento is the next DILG secretary, subject to confirmation,” wika ng Pangulo sa isang media forum.

Si Sarmiento ay na­ging Alkalde ng 9 na taon bago ito naging kinatawan ng Samar noong 2010.

Malaki rin ang karanasan at malalim ang kaalaman ni Sarmiento sa local government na kailangan para sa Secretary ng DILG.

Magugunita na nagsumite si Roxas ng kanyang resignation bilang DILG chief kay Pangulong Aquino noong Agosto 3 subalit hindi ito tinanggap ni PNoy bagkus ay humingi pa ito ng kaunting panahon upang tapusin nito ang mga programa sa DILG.

Ginawa ni Roxas ang pagbibitiw sa puwesto 3 araw matapos siyang iendorso ni PNoy bilang pambato ng administrasyon sa darating na 2016 presidential elections.

Samantala, hindi pa rin sumusuko si PNoy sa panliligaw kay Sen. Grace Poe upang maging runningmate ni Roxas.

“Until the end of filing period, we will not give up on Grace,” paniniguro pa ni Aquino.

Nilinaw din ni PNoy na hindi na kailangang magdaos ng party caucus ang LP upang makapili ng magiging runningmate ni Roxas sa darating na eleksyon.

CONGRESSMAN MEL SARMIENTO

GRACE POE

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

MEL SENEN SARMIENTO

PANGULO

PANGULONG AQUINO

ROXAS

SARMIENTO

SI SARMIENTO

WESTERN SAMAR REP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with