Apela sa mga kongresista Dumalo sa sesyon para magka-quorum
MANILA, Philippines – Hinimok ng isang kongresista ang kanyang mga kapwa mambabatas na dumalo sa kongreso para magkaroon ng ‘quorum’ upang mapadali ang pagpasa ng mga ‘priority bills ‘ dito.
Sinabi ni 1st District Isabela Rep. Rodolfo “Rodito” T. Abano III, ipinaalala nito sa mga kongresista na makipagtulungan sa House leadership para maayos ang problema sa quorum upang masiguro ang pagpasa ng mga importanteng panukala.
“We are the representatives of the people and we have to show our constituents that we fulfill religiously our constitutional duties by diligently attending plenary sessions and committee hearings of the House of Representatives,” sabi ni Albano.
Sinabi ni Albano, dahil sa kawalan ng quorum sa Kongreso maraming priority bill ang hindi natatalakay tulad ng BBL o Bangsamoro Basic Law.
- Latest