^

Bansa

Murder vs 8 pulis sa Atimonan rubout pinagtibay ng CA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagtibay ng Court of Appeals ang kasong multiple murder na isinampa laban sa walong pulis na kabilang sa 13 sangkot sa Atimonan rubout noong Enero 2013 sa lalawigan ng Quezon.

Ito’y matapos na ibasura ng CA ang petition na inihain ng walo na idismis ang kaso laban sa kanila na nakasampa ngayon sa Department of Justice.

Ayon sa CA, wala silang nakikitang pagmamaniobra o grave abuse of discretion sa DOJ nang sampahan sila ng kasi matapos ang ilang matibay na ebidensiya.

Umaabot sa 13 pulis kabilang na si Supt. Hansel Marantan ang nahaharap ngayon sa  kaso matapos ang madugong shooting incident na ikinamatay ng 13 katao.

Si Marantan ang  ground commander nang isagawa ang operasyon laban sa umano’y mga mi­yembro ng gun-for-hire group.

Subalit lumilitaw sa imbestigasyon na ang  kaso ay malinaw na rubout dahil pinagbabaril umano ang biktima bunsod na rin ng away ng mga biktima at operator ng “video karera” sa Laguna. 

Abril 2014 nang iutos ang pagdismis sa serbisyo laban kay Marantan at 12 iba pa.

 

ABRIL

ACIRC

ANG

ATIMONAN

AYON

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

ENERO

HANSEL MARANTAN

NBSP

SI MARANTAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with