^

Bansa

Sa reklamo ng mga Veloso: Consul general sa Indonesia hiling sa DFA na i-recall

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahilan sa reklamo ng pamilya ni Mary Jane Velaso kaya ipinapa-recall ng House Committee on Overseas Filipino Workers  Affairs sa Department of Foreign Affairs ang consul general ng Pilipinas sa Jakarta, Indonesia.

Sa pagdinig ng komite, nag-mosyon si Gabriela partylist Rep. Luz Ilagan para i-recall si Roberto Manalo sa naturang bansa dahil sa reklamo ng pamilya at abogado ni Veloso.

Inaprubahan naman ng komite ang mosyon ni Ilagan kaya susulat ang komite sa DFA para alisin si Manalo sa Jakar­ta bukod pa sa ito ay ini­re­komenda rin ni OFW family party­list Rep. Roy Señeres na sampahan ito ng kasong administratibo.

Personal at harapan namang humingi ng paumanhin si Manalo sa pamilya Veloso at sinabing saksi ang Diyos na ginawa nito ang lahat para matulungan si Mary Jane na nasentensiya­hang mabi­tay sa Indonesia dahil sa pagpupuslit ng droga. Ipinagpaliban ang pagbitay dahil sa apela ni Pangu­long Benigno Aquino sa pangulo ng naturang bansa.

Naiyak naman sa gitna ng pagdinig si Ginang Celia Veloso sa paglalabas ng sama ng loob kay Manalo dahil ito umano ang lumalason sa isipan ng kanyang anak sa pamamagitan ng pagsusubo rito ng mga kasinungalingan.

Iginiit naman ng abogado ng pamilya Veloso na si Atty. Edre Olalia na bukod sa kapabayaan ng mga taga DFA ay sinisiraan din sila ng patalikod ni Manalo.

ACIRC

ANG

BENIGNO AQUINO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EDRE OLALIA

GINANG CELIA VELOSO

HOUSE COMMITTEE

LUZ ILAGAN

MANALO

MARY JANE

VELOSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with