^

Bansa

7 pang oil firms nag-rolbak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pito pang kumpan­ya ng langis sa bansa ang nagpatupad rin ng kani-kaniyang rolbak sa presyo ng produktong petrolyo.

Una nang nagbawas ng presyo ang Petron habang sumunod rin ang Shell at Chevron.

Sa anunsyo ng Shell, dakong alas-12:01 ng Linggo ng madaling araw ang pagtatapyas nila ng P1.45 sa kada litro ng premium at unleaded gasoline, P.70 sa diesel, at P.90 sa kerosene.

Ganito rin ang presyo na itinapyas ng Chevron, PTT, Total Philippines, Flying V, Sea Oil at Phoenix Petroleum kahapon ng umaga.

Kasalukuyang nasa US$42.37 kada “basket price” ang krudo nitong Agosto 28 kumpara sa US$59.46 presyo noong Disyembre 2014, ayon sa Organization of Petroleum Exporting Countries.

Ayon sa marketwatch.com, kabilang sa mga rason ng pagbaba sa presyo ng krudo sa internasyunal na merkado ang pagbagsak ng ekonomiya ng Greece, pagtanggal sa “sanction” sa Iran na nangangahulugan ng pagdami ng suplay, pagtaas ng lokal na suplay ng krudo sa Estados Unidos, pa­ngamba sa pagbaba ng ekonomiya ng Tsina, at pagtaas sa suplay ng mga bansang kaanib ng OPEC.

 

ACIRC

AGOSTO

ANG

AYON

DISYEMBRE

ESTADOS UNIDOS

FLYING V

ORGANIZATION OF PETROLEUM EXPORTING COUNTRIES

PHOENIX PETROLEUM

SEA OIL

TOTAL PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with