^

Bansa

100K skilled workers natulungan ng TESDA

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa 100,000 ‘highly-skilled’ na manggagawang Pilipino ang natutulungan ng ‘Technical Education Skills Development Authority kada taon na may mas malaking “tsansa” na matanggap sa trabaho.

Batay sa datos ng TESDA na nagdiriwang ng ika-21 anibersaryo ngayong linggo, mula sa 1,572,131 ‘enro­lees’ noong 2011, sa unang taon ni Director-general Joel Villanueva, umabot na sa 2,033,417 ang ‘nag-enrol’ sa mga programa ng TESDA noong isang taon.

Sa nasabing bilang, umabot naman sa 1,785,679 ang nakatapagtapos sa kanilang mga kurso kumpara sa 1,332,751 noong 2011.

Sa kabilang dako, umabot din sa 1,125,273 ang nabigyan ng “certification” ng TESDA bilang patunay sa kanilang nakuhang galing sa kanilang napiling propesyon noong isang taon kumpara sa 703,360 noong 2011.

Ayon kay  Sec. Villanueva, ang tagumpay ng mga programa ng TESDA sa nakaraang limang taon ay dahil na rin sa pagkilala at pakikipagtulungan ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan at ng pribadong sektor.

Sa ngayon, higit na malaki ang pagkakataon ng mga ‘TESDA graduates’ na makakuha ng trabaho kumpara sa mga ‘skilled workers’ na hindi dumaan sa pagsasanay ng ahensiya na mayroong 123 eskuwelahan at higit 4,000 ‘accredited skills training institutions’ sa buong kapuluan.

ACIRC

ANG

AYON

BATAY

JOEL VILLANUEVA

MGA

NOONG

PILIPINO

TECHNICAL EDUCATION SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY

UMAABOT

VILLANUEVA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with