^

Bansa

Dummies ni Binay pinahuhuli

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpalabas kahapon ng panibagong arrest orders ang Senado laban sa mga resource persons na pinagpapaliwanag kaugnay sa imbestigasyon tungkol sa mga anomalya sa Makati City pero hindi sumisipot sa pagdinig.

Ayon kay Senator Aquilino “Koko” Pimentel, tagapangulo ng Senate Blue Ribbon sub-committee, kung hindi magkakasya sa detention center ng Senado ang mga ipinapaaresto ay dadalhin ang mga ito sa Pasay City Jail.

Kabilang sa mga ipinapaaresto sina Dr. Jack Arroyo, pamangkin ni da­ting Senador Joker Arroyo at sinasabing dummy sa nursing school ng University of Makati, Lauriano Gregorio na umano’y may-ari ng Hacienda Binay sa Batangas at Margaret Licknok na asawa naman ni Gerry Limlingan na sinasabing bagman ni Vice President Jejomar Binay. Ipinapaaresto rin sina Erlinda Chong, Irene Chong, Kim Tun Chong at Irish Chong na mga umano’y dummy sa mga cake supply sa Makati, mag asawang James at Lorriane Tiu na mga campaign donor umano ni Binay.

Nakatakdang ipagpatuloy ngayon ng komite ang pagdinig tungkol sa mga anomalyang kinakasangkutan umano ng mga Binay.

vuukle comment

BINAY

ERLINDA CHONG

GERRY LIMLINGAN

HACIENDA BINAY

IRENE CHONG

IRISH CHONG

JACK ARROYO

KIM TUN CHONG

LAURIANO GREGORIO

LORRIANE TIU

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with