^

Bansa

‘Ineng’ nasa PAR na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ineng (Goni) kahapon.

Ayon sa PAGASA, direktang maaapektuhan ni Ineng ang Northern Luzon sa susunod na dalawang araw.

Palalawakin naman ng naturang bagyo ang ha­nging habagat kayat magiging maulan sa Visayas at Palawan area.

Kaugnay nito, sinabi ni Jori Lois, weather forecaster, na bagamat hindi ito magla-landfall sa ating bansa, magdadala naman si Ineng ng mga pag-uulan sa Luzon kasama na ang Metro Manila sa Huwebes hanggang sa susunod na linggo dahil mababa lamang anya ang bagyo.

Si Ineng ay may lakas ng hanging 170 kilometro kada oras at pagbugso na umaabot sa 205 kph. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

ACIRC

AYON

GONI

HUWEBES

INENG

JORI LOIS

KAUGNAY

METRO MANILA

NORTHERN LUZON

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

SI INENG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with