^

Bansa

Inamyendahang BBL inialay ni Marcos sa ‘Fallen 44’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inalay ni Sen. Bongbong Marcos sa “Fallen 44” ang kanyang substitute bill o Senate Bill 2894 na ipapalit sa panukala ng Malacañang na Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Marcos na sa kabila ng nangyaring trahedya, mas pinili ng pamilya ng SAF 44 ang kapayapaan.

“They choose the path of peace. And so shall we. Our heroes died for peace, and we honor them because a country without heroes is a country without a soul,”ani Marcos.

Ito umano ang dahilan kung bakit pinagsikapan nilang maitama ang mga mali sa draft ng BBL at nagbuo ng isang substitute bill na inaasahang magiging daan upang magkaroon ng katahimikan sa Mindanao.

Binanggit rin ni Marcos na mistulang natuon lamang ang atensiyon ng mga government ne­gotiators sa MILF at naitsapuwera ang ibang stakeholders.

Ayon kay Marcos, ang kanyang bersiyon ay magbibigay ng proteksiyon sa national interest at magpapanatili sa kapangyarihan ng national government na nakasaad sa Konstitusyon.

Sa susunod na linggo magsisimula ang pagta­lakay dito.

Aminado naman si Marcos na lumalabo ang pag-asa na tuluyang maipasa sa kasalukuyang administrasyon ang BBL.

ACIRC

AMINADO

ANG

ATILDE

AYON

BANGSAMORO BASIC LAW

BINANGGIT

BONGBONG MARCOS

INALAY

ITO

SENATE BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with